Social Icons

twitterfacebookgoogle plus

Pages

Wednesday, September 28, 2011

IDOL


IKAW LANG ANG BIDA
LAHAT NA SILA AY EXTRA
IKAW ANG NAMUMUKOD TANGI
YUN AY WALA NANG PAGTATANGGI.
AKO AY IYONG TAGAHANGA
KAHIT NAGMUMUKHA NG TANGA.
LAGENG NAKATITIG SAYO
NA PARANG MAY SAPAK SA ULO
KELAN MO BA AKO MAPAPANSIN?
AKO AY MAGHIHINTAY AT TITIISIN.
SAN DUMATING ANG ARAW
NA MAPANSIN MO ANG AKING PAGTANAW
KAHIT SULYAP LANG NA MAY KASAMANG NGITI
PWEDE NA AKONG MAGBIGTI

PANGARAP LANG KITA
O AKING SINTA
YANG ANG SAMBIT NG UTAK KO 
SA TWING NAKATITIG SAYO
ALAM KONG HINDI AKO GWAPO
PERO ALAM KO MAHAL KITA NG BUONG PUSO KO..

Thursday, September 22, 2011

KAPEATYOSI

"LIFE IS TOO SHORT" tama yang mga katagang yan maikli lang ang buhay kaya dapat nateng i-enjoy

gawin natin ang papel natin sa buhay.

ang buhay parang pelikula madaming kwento drama,action,horror,

syempre may rated 18(haha) may mga kwento tayong nabubuo hindi natin napapanisin animo para

kang artista kaso sa talambuhay mo lang hindi ka sisikat wala kang offer para maging endorser ng shampoo

na hindi mo ginagamit kasi matigas talaga sa buhok,hindi ka magiging model ng pagkain na hindi mo kinakain

at higit sa lahat wala kang kontrata sa abs-cbn. aminin natin o hindi nakakagamit tayo ng isang tao o bagay

upang mairaos natin ang kagustuhan natin deal with it..

sabi nga ng nanay mo "AYUSIN MO BUHAY MO" kung nakagawa ka ng hindi tama in short yung tipong bumabaluktot

na yung alam nilang tama sa pagkakaalaman nila. ikaw kelan mo napagtatanto na mali ka? kung narealize mong

mali ka talaga sa "MALI NAGUUMPISA ANG TAMA" ang batayan ng tama ay ang kamalian hindi ka makakagawa

ng tama ka kaagad trial and error yan pero kung tama ka na agad KAW NA DA BEST KA EH!!

minsan kasi kaya ka nagkakamali dahil nageenjoy ka at iyong kagustuhan.may freewill naman kasi talaga tayo

kaso face the consequences of your freewill kaya may mga ADIK dahil yun ung gusto nila

eh kung bakit may mga SNATCHER/HOLDAPER/CARNAPER kasi yun ung diskarte nila at yun na lang paraan nila gipitan na eh pero in the end they will suffer of their freewill..

ang pagsisisi talaga nasa huli yung tipong ay hindi na tama to kelangan ko ng gumwa ng nararapat kasi ako rin naman

kawawa nito sa huli hiniram lang natin ang ating buhay kay parekoy kelangan isauli natin sa kanya ito ng fully furnished

at may accessories pa na maganda.ang enjoyment at ang freewill ay dapat nasa tama hindi ko sinasabing hindi ka dapat magkakamali kung magkamali man erase naten sa report card.. isa lang tayong estudyante ng mundo kung gusto mong maisulat sa dingding na eskwelahan gumawa ka ng tama. GAWING MAHABA ANG BUHAY SA PAG GAWA NG TAMA

Tuesday, September 6, 2011

madilim na umaga

pagka gisng ko sa umaga

ikaw ang aking nakikita

nakangiti at namumungay na mata

at may halik pang kasama.

samyo mo ang gumigisng saken

at ang yakap mong mahigpit

good vibes na umaga ang haharapin

hindi katulad kahpon na tagiptip.

ngunit aking napagtanto

ikaw pala ay malayo

minulat ko ang aking mga mata

ang lahat ay panaginip lang pla.

pagal na isipan

habang ikaw ay nakatunganga

tawa ka ng tawa

nagiisip ng kung anu

para lang sumaya kahit papaano.

iniisip mong ikaw ay lumilipad

kahit alam mong ikaw ay nasa lapag

kinakausap mo ang tala

na parang ikaw ay pinagpala..

panu kung nawala ang tama?

para ka na naman bata

na walang ama

jan sa iyong kama...

Monday, September 5, 2011

ito dapat.

Ang hirap satin kung sino pa ang taong nananakit. Yun pa ang taong hinahanap natin. Bakit ano kaya meron sa kasalanan nila at pilit pa rin nating silang hinahanap? Idadahilan mo ba na sila ang taong tumanggap at nagmahal sayo? Hindi mo ba napapansin ang mga taong nakapalibot sayo? Mga taong nag paparamdam? Mga taong handang higitan ang mga bagay na hindi nagawa nung una mo.

Dalawa lang naman pinagkaiba niyan.

Yung una minahal ka pero iniwan ka.

Yung bago mamahalin ka at may papatunayan sa iyo na hindi lahat ng babae ay magkakapareho.

Na iaapply lang ang kasabihan kong ito sa mga taong seryosong magmahal.

Sa mga mahilig lang manlandi. Well. Sino mawawalan sa huli? Tandaan na walang malanding nag tatagal sa huli. Wala ring nag seseryoso sa taong malandi. Dahil alam nilang ganun ka rin sa iba. Kaya wag paglaruan ang damdamin nang isang tao. Hindi lang tao ang sinasaktan mo. Kundi sinasaktan mo din ang personalidad mo bilang isang indibidwal.

ulam :))

Masarap ang kanin kapag may kasamang ulam. Pero mas masarap kapag paborito mo ang ulam. Makakarami ng kain kain. Masisira ang diyeta mo. Lagi mong hahanapin. Pero wala kang magawa kapag busog ka na. Kahit gaano mo kagusto ang ulam pag puno na ang tiyan mo hindi mo na kaya.

Para itong pagibig. Kapag puno na ang puso ng isang tao. Kapag kuntento na ito sa kanyang puso. Sapat na ito. Hindi na niya gugustuhin ang iba pa . Kahit gusto niya ito. Dahil kuntento na siya sa kung ano ang laman ng puso niya.

Ayos lang pumapak. Pero wag lumamon.

Ayos lang magmahal. Pero mag tira para sa sarili.

Mahirap ma empacho.

Wednesday, May 11, 2011

HAIRCUT :))

  • pusanggala! wala na bang mas sasakit pa dito?
  • yung lalake/babaeng nangako na hinding hindi ka ipagpapalit, hinding hindi ka iiwan, hinding hindi ka sasaktan, bakit nasa piling na agad ng iba?
  • yung lalake/babaeng nagsabi na mamamatay daw siya kapag nawala ka, bakit buhay pa rin at nagpapakasarap sa iba?
  • yung lalake/babaeng hawak pa ang kamay mo kahapon, tapos ngayon ay hawak na ng iba?
  • minsan talaga unfair na ang buhay. nagmahal ka lang naman. saan ka ba nagkulang? o baka naman sumobra ka?
  • minsan, may mga bagay talagang dapat mong tanggapin kahit sobrang sakit na. ano pa nga ba magagawa mo diba? wala ka nang ibang choice.
  • alangan naman makipag-away ka pa edi mas nasira buhay mo. tandaan mong wala sakanya ang buhay mo. sayo yan. overrated na kasi yung sinasabing “ikaw ang buhay ko. hindi ko kayang mawala ka.” halos lahat naman kasing tungkol sa “love” ay overrated na sa panahon ngayon.
  • pero ang dapat mong gawin: kumalma ka. magdasal, kasi may isang taong 101% sure na hindi ka iiwan. at yun ay yung nasa taas. :) ngunit hindi ko sinasabing lapitan mo lang siya kapag heartbroken ka. lagi mo siyang isasama.
  • sa ngayon, hindi ka pa okay. pero sooner or later, dadating ka din sa puntong masasabi mo na “masaya na ako!”
  • dumaan din ako sa ganito. kaya 101% sure din akong makakaya mo. :)
  • get a new haircut, para kasi sakin isa yung sign na your moving on :) hahahaha.

IKAW LAGING TAMA :))

pride. yan ang dapat mong pababain. yan ang dapat mong kontrolin. kapag nasa isang relasyon ka, hindi lahat ng oras, ikaw yung dapat masunod. dahil hindi rin lahat ng oras, ay tatanggapin niya ang pagkakamali mo.

wag mo nang hintayin na dumating yung oras na hindi na niya makayanan ang ginagawa mo at iwan ka niya, hindi dahil hindi ka na niya mahal, pero dahil hindi mo siya minahal ng tama.

hindi ka hari/reyna para laging pagsilbihan ng karelasyon mo. dahil sa una pa lamang, hindi kayo pumasok sa relasyon na yan para maging alipin. pumasok kayo sa relasyong yan dahil nagmamahalan kayo, at gusto niyo matutong magbigayan.

matuto kayong magparaya, matuto kayong magpakumbaba.

dahil kung wala ang mga ito, sinasayang niyo lamang ang mga pagkakataon. yung mga oras na dapat sana ay naglalambingan at nagkukulitan kayo, masasayang lamang sa away at bangayan. baka humantong pa kayo sa hiwalayan.

kaya ngayon pa lamang, maghanda ka na. ayusin mo na ang mga dapat ayusin, itama na dapat ang mga pagkakamali. hindi kayo mga negosyante na nagkekwentahan ng mga bagay na naibigay ninyo sa isa’t isa.

kayo lamang ay dalawang taong nagmamahalan.

MERON WALA MERONG MERON..



You’re Nothing. Not a second rate. Not a trying hard. Not a copy cat. But You’re Nothing.

Naranasan mo na bang maging Wala? Naranasan mo na ba ang Wala?

Yun yung Walang meron. Yun yung merong wala.

Yun yung merong Meron pero mas pinili mo yung merong wala.

Ito yung walang meron kahit alam mong meron namang meron.

Ito yung wala at hindi ito yung meron.

Pano kung sa ganitong paraan umiikot ang buhay mo?

Buhay na sumasagot ka ng “Ahhhh ehhh??” sa mga tanong nila. Akala nilang nakikinig ka pero barado ang dalawang butas tenga mo. Akala nilang nilang nakikinig ka pero nakatingin ka lang. Akala nilang di mo alam pero alam mo talaga, ayaw mo lang magpaliwanag. Akala nilang wala ka pero andyan ka naman. Akala nilang abala ka kase sabi mo mo abala ka pero hindi ka naman talaga abala.

At Bakit hindi ka Abala?

Kase wala kang ginagawa.

Marami ka namang pwedeng gawin pero mas pinili mong walang gawin.

Pwede ka namang maging masipag pero mas pinili mong maging tamad.

Pwede ka namang gumala nang gumala pero mas pinili mong sa bahay lang.

Pwede ka namang tumanggap pero mas pinili mong tumanggi.

Pwede ka namang makinig pero mas pinili mong takpan ang tenga mo.

Pwede ka namang magalit pero mas pinili mong magtimpi.

Pwede ka namang magsalita pero mas pinili mong tumahimik.

Pwede ka namang maglabas ng sama ng loob pero mas pinili mong magtiis

Pwede ka namang maglakas ng loob pero mas pinili mong hinaan.

Pwede ka namang kakayanan mo pero mas pinili mo ang kakayanan ng iba.

Pwede ka namang maging proud pero mas pinili mong mainngit

Pwede ka namang umiyak nang nakikita nila pero mas pinili mong di nila alam.

Pwede ka namang may mga kasama pero mas pinili mong maging soloista.

Pwede mo namang ilapit ang sarili sa kanila pero mas pinili mong lumayo…

Kaya sa sobrang layo mo, hindi ka nila napapansin. Nadyan kaba? WALA. Hindi ka nila maramdaman.

Bakit hindi ka nila maramdaman? Dahil mas pinili mong hindi ka maramadaman.

Bakit Wala ka lang sa kanila? Dahil mas pinili mong maging WALA lang.

MERON ka bang kilalang ganitong Tao?

oo. ako.







---KATYANG