Social Icons

twitterfacebookgoogle plus

Pages

Thursday, September 29, 2011

zigzag

 madaming daan iba't ibang klaseng daan merong paliko liko merong diretso minsan may mga lubak
sayong patutunguhan pero kaya lagpasan yan basta dahan dahan lang sabi nga ng isang pulitiko
walang lubak sa tuwid na daan (tama ba yan?haha) 
mahahalintulad ang daan sa buhay.sa buhay may mga pagkakamali tayo alam nating hindi na tama pero tuloy tayo kai yun lang alam nating daan sa pagliko liko natinhindi na mahanap ang tamang daannapapalayo na tau sa landas na dapat tahakin napapalayo nat ayo madaming stop over kung minsan tinatmad na dahil nasarapan sa hinintuan. madami man lubak ang madadaanan lagpasan
ito ng dahan dahan na may kasamang pag iingat kung gusto mo talaga makapunta sa iyong pupuntahan kailangan ng tiyaga..
 ako alam ko wala ako sa tamang landas magpapatulong ako kay noynoy upang makapunta dun siya nakakalam nun..

Wednesday, September 28, 2011

IDOL


IKAW LANG ANG BIDA
LAHAT NA SILA AY EXTRA
IKAW ANG NAMUMUKOD TANGI
YUN AY WALA NANG PAGTATANGGI.
AKO AY IYONG TAGAHANGA
KAHIT NAGMUMUKHA NG TANGA.
LAGENG NAKATITIG SAYO
NA PARANG MAY SAPAK SA ULO
KELAN MO BA AKO MAPAPANSIN?
AKO AY MAGHIHINTAY AT TITIISIN.
SAN DUMATING ANG ARAW
NA MAPANSIN MO ANG AKING PAGTANAW
KAHIT SULYAP LANG NA MAY KASAMANG NGITI
PWEDE NA AKONG MAGBIGTI

PANGARAP LANG KITA
O AKING SINTA
YANG ANG SAMBIT NG UTAK KO 
SA TWING NAKATITIG SAYO
ALAM KONG HINDI AKO GWAPO
PERO ALAM KO MAHAL KITA NG BUONG PUSO KO..

Thursday, September 22, 2011

KAPEATYOSI

"LIFE IS TOO SHORT" tama yang mga katagang yan maikli lang ang buhay kaya dapat nateng i-enjoy

gawin natin ang papel natin sa buhay.

ang buhay parang pelikula madaming kwento drama,action,horror,

syempre may rated 18(haha) may mga kwento tayong nabubuo hindi natin napapanisin animo para

kang artista kaso sa talambuhay mo lang hindi ka sisikat wala kang offer para maging endorser ng shampoo

na hindi mo ginagamit kasi matigas talaga sa buhok,hindi ka magiging model ng pagkain na hindi mo kinakain

at higit sa lahat wala kang kontrata sa abs-cbn. aminin natin o hindi nakakagamit tayo ng isang tao o bagay

upang mairaos natin ang kagustuhan natin deal with it..

sabi nga ng nanay mo "AYUSIN MO BUHAY MO" kung nakagawa ka ng hindi tama in short yung tipong bumabaluktot

na yung alam nilang tama sa pagkakaalaman nila. ikaw kelan mo napagtatanto na mali ka? kung narealize mong

mali ka talaga sa "MALI NAGUUMPISA ANG TAMA" ang batayan ng tama ay ang kamalian hindi ka makakagawa

ng tama ka kaagad trial and error yan pero kung tama ka na agad KAW NA DA BEST KA EH!!

minsan kasi kaya ka nagkakamali dahil nageenjoy ka at iyong kagustuhan.may freewill naman kasi talaga tayo

kaso face the consequences of your freewill kaya may mga ADIK dahil yun ung gusto nila

eh kung bakit may mga SNATCHER/HOLDAPER/CARNAPER kasi yun ung diskarte nila at yun na lang paraan nila gipitan na eh pero in the end they will suffer of their freewill..

ang pagsisisi talaga nasa huli yung tipong ay hindi na tama to kelangan ko ng gumwa ng nararapat kasi ako rin naman

kawawa nito sa huli hiniram lang natin ang ating buhay kay parekoy kelangan isauli natin sa kanya ito ng fully furnished

at may accessories pa na maganda.ang enjoyment at ang freewill ay dapat nasa tama hindi ko sinasabing hindi ka dapat magkakamali kung magkamali man erase naten sa report card.. isa lang tayong estudyante ng mundo kung gusto mong maisulat sa dingding na eskwelahan gumawa ka ng tama. GAWING MAHABA ANG BUHAY SA PAG GAWA NG TAMA

Tuesday, September 6, 2011

madilim na umaga

pagka gisng ko sa umaga

ikaw ang aking nakikita

nakangiti at namumungay na mata

at may halik pang kasama.

samyo mo ang gumigisng saken

at ang yakap mong mahigpit

good vibes na umaga ang haharapin

hindi katulad kahpon na tagiptip.

ngunit aking napagtanto

ikaw pala ay malayo

minulat ko ang aking mga mata

ang lahat ay panaginip lang pla.

pagal na isipan

habang ikaw ay nakatunganga

tawa ka ng tawa

nagiisip ng kung anu

para lang sumaya kahit papaano.

iniisip mong ikaw ay lumilipad

kahit alam mong ikaw ay nasa lapag

kinakausap mo ang tala

na parang ikaw ay pinagpala..

panu kung nawala ang tama?

para ka na naman bata

na walang ama

jan sa iyong kama...

Monday, September 5, 2011

ito dapat.

Ang hirap satin kung sino pa ang taong nananakit. Yun pa ang taong hinahanap natin. Bakit ano kaya meron sa kasalanan nila at pilit pa rin nating silang hinahanap? Idadahilan mo ba na sila ang taong tumanggap at nagmahal sayo? Hindi mo ba napapansin ang mga taong nakapalibot sayo? Mga taong nag paparamdam? Mga taong handang higitan ang mga bagay na hindi nagawa nung una mo.

Dalawa lang naman pinagkaiba niyan.

Yung una minahal ka pero iniwan ka.

Yung bago mamahalin ka at may papatunayan sa iyo na hindi lahat ng babae ay magkakapareho.

Na iaapply lang ang kasabihan kong ito sa mga taong seryosong magmahal.

Sa mga mahilig lang manlandi. Well. Sino mawawalan sa huli? Tandaan na walang malanding nag tatagal sa huli. Wala ring nag seseryoso sa taong malandi. Dahil alam nilang ganun ka rin sa iba. Kaya wag paglaruan ang damdamin nang isang tao. Hindi lang tao ang sinasaktan mo. Kundi sinasaktan mo din ang personalidad mo bilang isang indibidwal.

ulam :))

Masarap ang kanin kapag may kasamang ulam. Pero mas masarap kapag paborito mo ang ulam. Makakarami ng kain kain. Masisira ang diyeta mo. Lagi mong hahanapin. Pero wala kang magawa kapag busog ka na. Kahit gaano mo kagusto ang ulam pag puno na ang tiyan mo hindi mo na kaya.

Para itong pagibig. Kapag puno na ang puso ng isang tao. Kapag kuntento na ito sa kanyang puso. Sapat na ito. Hindi na niya gugustuhin ang iba pa . Kahit gusto niya ito. Dahil kuntento na siya sa kung ano ang laman ng puso niya.

Ayos lang pumapak. Pero wag lumamon.

Ayos lang magmahal. Pero mag tira para sa sarili.

Mahirap ma empacho.