Social Icons

twitterfacebookgoogle plus

Pages

Saturday, September 29, 2012

PARAKINOH..

kung kami ay inyong bubusalan
saan na aming kalayaan?
kaya gusto niyo kaming pigilan
upang hindi na mapansin ang inyong baluktot na daan.

sumanib na ata sayo si ferdi
o nasobrahan ka lang sa iyong pagyoyosi?
sinasayang mo ang ginawa ng iyong ina
at dahilan kaya andiyan ka.

hindi dapat yan ang nasa dulo ng pangalan mo
dapat ay yung sa kalaban ng nanay mo...

Friday, September 28, 2012

TINULUGAN SI JUAN

kumakalam ang sikmura ni juan
ngunit walang aksyon mula sa kinauukulan
mas inuuna pang tugunan
ang mga bagay na wala namang kabuluhan

nasasadlak na tayo sa kahirapan
at nakalimutan ng tuluyan.
para san ba ang bansang ito? kay juan?
o sa mga may perang mayayaman?

gumalaw ka naman taong bato
gawin mo ang iyong mga pangako
tulungan mo kami dito
wag puro usok ang asikasuhin mo..