Social Icons

twitterfacebookgoogle plus

Pages

Friday, April 27, 2012

PERA

Ito ay papel na may tinta 
minsan ito ay barya 
kayang paikutin ang buhay 
hanggang ikaw ay mamatay 
hinihiling mu pa sa kanya 
na magkaroon ka 
pagktapos makakalimutan 
mo na siya 
pag binigyan ka na.. 
pera pera pera!! 
Paano naman ang wala? 
Paano ang mga pinanganak na dukha? 
Buti pa ang mga mayaman ang angkan 
hindi na nila dadanasin ang kahirapan 
hihiga sila sa duyan ng kasarapan. 
Pag pera ang usapan nawawala ang equalidad 
pag tinignan mo sa realidad. 

TWO STICKS

Gusto ko magpasalamat 
kanila nay at tay sa lahat. 
Bagamat ako ay suwail 
kahit kailan hindi ako tinatakwil 
minsan hindi ako sumusunod sila ay nandyan pa rin sa aking likod. 
Minsan meron hindi pagkakasundo 
pilit pa ring kinakausap ang baliw na katulad ko. 
Sori sa lahat ng pagkabigo ng pangarap niyo para sa akin 
sa pagtanda niyo kayo ay aking aakayin.

TURON

Isang Gabing madilim 
na walang kasing itim 
ng aking nakikita 
tuwing ididilat ang mata 
gusto ko ng mahimbing 
ngunit ang utak ring ng ring 
madaming tumatakbo 
pati ang mga susunod na tagpo 
bakit ganito, bakit ganun? 
Yan tinatanung sa utak kong parang turon 
tinusta sa mantika 
kahit binalutan ng tamis ito pa rin ay mapakla

SANA'Y NAGING COOL LANG

Akoy nababaliw 
nawawala ang pagka aliw 
hindi alam ang gagawin 
hanggang sa utak ko ay agiwin. 
nakatulala at natatanga 
ang katawan ko ay naghahang na. 
robot na ang isipan 
pagkatao parang nasapian. 
Nawawala ang ningning 
ng mata ko na parang napuwing. 
Nayayamot sa dilim 
naghahanap ng liwanag sa lilim 
nagtataka sa mga nakikita 
na wala naman talaga. 
Yan ang epekto ng pagkabahala 
na wala naman talaga.

Saturday, April 7, 2012

flying sandwich with coleslaw and lettuce mayo



Lumulutang ka pero hindi lumilipad
hind mo alam kung san ka mapapad
doon ba sa puting malapad?
o sa asul na banayad?


lagi mong iniicp ngunit nawawala

parang isang ibong nagwawala.
ginawang salita
ngunit hindi ginawa
bka sa huli lumipad na lang at mawala.. 

dot dot

Gusto mo ng liwanag 
ngunit iba ang iyong tinatawag 
gusto mo siyang makausap 
pero sa iba ka nakaharap 

Pangalan niya tinatawag mo 
sa tuwing malungkot ang iyong mundo. 
tuwing masaya ka 
nagpasalamat ka ba sa kanya? 
Dusa't hirap ang kanyang naramdaman 
pero pagdadasal at papasalamat hindi mo masuklian. 

kurtina

Sa kwartong madilim 
tinatago ang mga kinikimkim 
sa mundong mapanakit 
at puro sakit 



nakaupo, nakatingin liwanag ng bintana 
baka sakaling makita ang pag asa. 
hahayaan ko na lang ba magpatalo? 
o susubukan kong manalo? 
sa karera ng buhay 
na sa dula tayo pa rin ay mamatay..