Social Icons

twitterfacebookgoogle plus

Pages

Featured Posts

Tuesday, August 16, 2016

TAHO CHRONICLES

Tahooooooooo..
Biglang naalimpungatan si bert at napatingin sa orasan niya dali dali siyang napabalikwas. "Pucha late na naman ako" maya maya kanyang naalaala na wala na siyang trabaho. Endo na siya sa pinapasukan niyang shopping mall.
"Haaaay buhay" sambit ni bert habang nakatingin sa yerong kisame nila. Tuluyan na siyang tumayo, tumungo sa hapag-kainan tignan kung may makakain ngunit wala kaya lumabas siya.

Bert : man mael pabili nga ng 10 pisong taho.
Mang mael : coming right up.

Si mang mael ang pinakamatagal ng naglalako ng taho sa kanilabg lugar mula nung kabataan ni bert dun na siya bumibili ng taho.

Mang mael : tinanghali ka na ata ng gising bert wala ka bang pasok ngayon.

Bert : wala ho mang bert ay wala na pala endo na ako sa pinapasukan ko.

Mang mael : diba doon ka sa sm nagtatrabaho?

Bert : opo doon nga po 6 months lang ho kontrata ng agency samin eh.

Mang mael : grabe nga sila noh? Kaya nga galit si idol digong ko sa mga gahamang negosyanteng ganyan eh.

Sabat abot kay bert ng kanyang biniling taho.

Mang mael : bakit kaya hindi mo subukang mag- apply sa call center.

Bert : naku mang mael matigas pa sa bato english ko. Hahaha

Mang mael : english is just a simple as 123. If you want. I can teach you. Hahahaha

Bert : ha mang mael?

Sabay silang tumawa ng malakas.


Mang mael : oi bert maglalako na ako paubos na tong taho ko para makauwi ako. Seryoso kung gusto mong matutong mag ingles tuturuan kita.

Bert : sige mang bert. Salamat ho.haha
Naglakad na si mang mael. Madami talaga siyang suki sa plaza nuwebe bukod sa masarap na ang kaniyang taho kilalang kilala na siya dito.

Mang mael : sa wakas ubos na rin ang aking taho.

Dali dali siyang dumiretso sa karinderya ni aling tere.
Si aling tere ay ang kababata niyang may ari ng karinderya kung saan siya kumakain pagkatapos maglako ng taho.

Mang mael : tere anu ba ulam ngayon.

Aling tere : naku mael adobo na lang natira naubos na ng mga construction boys.

Mang mael : sige tere isang order tapos  dalawang kanin.

Habang kumakain si mang mael napagkwentuhan na naman nila ang madalas na topic nila.

Aling tere : bakit hindi ka pa ulit mag asawa mael.

Mang mael : naku tere unli ka ba paulit ulit mo ng sinesend sakin yang tang mo. Hahaha

Aling tere : naku mael tumatanda ka na walang mag aalaga sayo. Ikaw rin.

Ngiti lang ang ganti ni mang mael.

Pahina1

Thursday, November 1, 2012

ISANG KATUTAK NA TUMATATAK

Pagal ang aking katawan 
ngunit hindi ang aking isipan 
madaming salita ang gumagambala 
na parang dambuhala. 
Lumililok ang utak 
ng mga matutulis na itak 
upang mabilisang itarak. 
Dumadaloy ang letra 
animo'y parang agila 
agila na mabilis at mabagsik 
kahit ikaw pa ay magsumiksik. 

Kaya papalayain ko ang aking kaisipan 
upang maglaho ang mga letra ng tuluyan 
at mapagpahinga ang katawan 
pati ang aking pagsasagwan..

SPACE SHIP

sa isang blangko 
nagmumula ang mundo ko, 
mundo mo at mundo ninuman 
lalagyan mo ng kulay kahit lamang ang kaitiman. 
Guguhit ka ng parisukat at parihaba 
hanggang magkaroon ng kurba. 
Gagawa ng bilog at linyang baliko 
at pipiliting maging matino. 
Hindi ka makukuntento 
hanggang sa maging magulo. 
Buburahin ang mali 
dadagan ng tamang gawi. 
Lalagyan mo ng kulay 
tiyak merong mag aalalay 
nasa tabi mo lang 
kalabitin mo lang..

SULAT SA PADER

Gahasain mo ang utak kong hubad 
nang ang aking kamalayan makaladkad 
at ang mundo ko ay mamukadkad 
sa saya at banayad. 

Ilawan mo ang umaga kong kulimlim 
upang lumiwanag ang itim, 
pagyabuhin ang sikat 
at mawala ang sugat 

angkinin mo aking pagkatao 
upang ikaw ang maghari dito. 
Salamat diyos ko 
salamat sa muling pagmulat ko..

KANTA


Kanina kayakap lang kita
bakit ngayon hindi na kita makita
lumakad kang palayo
at kinalimutan ang mga pangako

kay sakit sinta
bakit mo sa akin ito nagawa?
minahal naman kita ng buong tapat
hindi pa ba iyon sapat?

May mahal ka na bang iba?
O dati ka pang may reserba?
Akala ko tayo na
yun pala iiwan mo din ako ng bigla

hanggang lumubog ang araw
akoy maghihintay at sayo ay tatanaw
dahil ako pa rin ay umaasa
na tayo pa rin ay magkakasama..

Saturday, October 6, 2012

BOKBOK NOY?


hindi mo ba naririnig ang hiyaw ng sambayanan?
o ika'y nagbibingian lamang?
hindi mo ba nakikita nakikita ang bayan?
o ika'y nagbubulag-bulagan?


sabi mo kami ang boss mo
pero bakit pinapakinggan mo lang ang mga aso mo?
bumaluktot na ang pangakong matuwid.
lumipad na sa himpapawid
ang mga salitang iyong pinangako
kinalimutan at pinakO
ang mga maralita lalong naghirap
unti unti nang nawawalan ng pangarap.
ang bayan lalong nagwala
dahil sa iyong pagbabawalang-bahala.


dagliang lumalapit sayo ang bayan
sana wag mo kami pabayaan..
ng iyong mapatunayan
na hindi sayang ang boto ko at ng taumbayan..

Thursday, October 4, 2012

MONGGOL

minsan nagkakamali
pero wag kang magmukmok sa tabi
tumayo ka at iwagayway ang kapa
alisin ang takot at kaba.
ipagpatuloy ang pangarap
alisin ang pangamba na ito ay mahirap
hawakan mo ang kamay ng diyos
tiyak ang lahat ay maayos
wag panghinaan ng loob
lahat ng sablay na iyong ginawa
kaya mong itaob.
kaya ang lapis ay may pambura
para nag mga sinulat mong mali ay mabura..

Saturday, September 29, 2012

PARAKINOH..

kung kami ay inyong bubusalan
saan na aming kalayaan?
kaya gusto niyo kaming pigilan
upang hindi na mapansin ang inyong baluktot na daan.

sumanib na ata sayo si ferdi
o nasobrahan ka lang sa iyong pagyoyosi?
sinasayang mo ang ginawa ng iyong ina
at dahilan kaya andiyan ka.

hindi dapat yan ang nasa dulo ng pangalan mo
dapat ay yung sa kalaban ng nanay mo...