Social Icons

twitterfacebookgoogle plus

Pages

Wednesday, May 11, 2011

MERON WALA MERONG MERON..



You’re Nothing. Not a second rate. Not a trying hard. Not a copy cat. But You’re Nothing.

Naranasan mo na bang maging Wala? Naranasan mo na ba ang Wala?

Yun yung Walang meron. Yun yung merong wala.

Yun yung merong Meron pero mas pinili mo yung merong wala.

Ito yung walang meron kahit alam mong meron namang meron.

Ito yung wala at hindi ito yung meron.

Pano kung sa ganitong paraan umiikot ang buhay mo?

Buhay na sumasagot ka ng “Ahhhh ehhh??” sa mga tanong nila. Akala nilang nakikinig ka pero barado ang dalawang butas tenga mo. Akala nilang nilang nakikinig ka pero nakatingin ka lang. Akala nilang di mo alam pero alam mo talaga, ayaw mo lang magpaliwanag. Akala nilang wala ka pero andyan ka naman. Akala nilang abala ka kase sabi mo mo abala ka pero hindi ka naman talaga abala.

At Bakit hindi ka Abala?

Kase wala kang ginagawa.

Marami ka namang pwedeng gawin pero mas pinili mong walang gawin.

Pwede ka namang maging masipag pero mas pinili mong maging tamad.

Pwede ka namang gumala nang gumala pero mas pinili mong sa bahay lang.

Pwede ka namang tumanggap pero mas pinili mong tumanggi.

Pwede ka namang makinig pero mas pinili mong takpan ang tenga mo.

Pwede ka namang magalit pero mas pinili mong magtimpi.

Pwede ka namang magsalita pero mas pinili mong tumahimik.

Pwede ka namang maglabas ng sama ng loob pero mas pinili mong magtiis

Pwede ka namang maglakas ng loob pero mas pinili mong hinaan.

Pwede ka namang kakayanan mo pero mas pinili mo ang kakayanan ng iba.

Pwede ka namang maging proud pero mas pinili mong mainngit

Pwede ka namang umiyak nang nakikita nila pero mas pinili mong di nila alam.

Pwede ka namang may mga kasama pero mas pinili mong maging soloista.

Pwede mo namang ilapit ang sarili sa kanila pero mas pinili mong lumayo…

Kaya sa sobrang layo mo, hindi ka nila napapansin. Nadyan kaba? WALA. Hindi ka nila maramdaman.

Bakit hindi ka nila maramdaman? Dahil mas pinili mong hindi ka maramadaman.

Bakit Wala ka lang sa kanila? Dahil mas pinili mong maging WALA lang.

MERON ka bang kilalang ganitong Tao?

oo. ako.







---KATYANG

No comments:

Post a Comment