Social Icons

twitterfacebookgoogle plus

Pages

Monday, February 28, 2011

BAKIT MAY MASAYANG ALAALA KUNG MALULUNGKOT KA DIN NAMAN?

Sana ganun kadali makalimot sa lahat ng masasayang alaala na ating binuo nang magkasabay. Pero Hindi ganun kadaling kalimutan ang isang tulad mo na minsang nagpaligaya sa akin, at nagdala sa akin sa kabilang mundo na tinatawag nating mundo ng walang hanggang kaligayahan.

Sana ganun kadaling burahin ang lahat ng kung ano man ang namagitan sa ating dalawa. Pero alam mo na ang nararamdaman kong ito ay di tulad ng isang manuskripto na maaari mong burahin sa bawat pagkakamali, matakpan sa bawat dumi, punitin sa bawat imperpeksyon, sunugin sa bawat galit na iyong mararamdaman sa tuwing maaalala mo ang paraisong minsan nating binuo.

Mahal pa rin kita …

Ikaw na nagvandalize sa puso ko. at di ko na magawang burahin pa ito…

No comments:

Post a Comment