Social Icons

twitterfacebookgoogle plus

Pages

Saturday, September 29, 2012

PARAKINOH..

kung kami ay inyong bubusalan
saan na aming kalayaan?
kaya gusto niyo kaming pigilan
upang hindi na mapansin ang inyong baluktot na daan.

sumanib na ata sayo si ferdi
o nasobrahan ka lang sa iyong pagyoyosi?
sinasayang mo ang ginawa ng iyong ina
at dahilan kaya andiyan ka.

hindi dapat yan ang nasa dulo ng pangalan mo
dapat ay yung sa kalaban ng nanay mo...

Friday, September 28, 2012

TINULUGAN SI JUAN

kumakalam ang sikmura ni juan
ngunit walang aksyon mula sa kinauukulan
mas inuuna pang tugunan
ang mga bagay na wala namang kabuluhan

nasasadlak na tayo sa kahirapan
at nakalimutan ng tuluyan.
para san ba ang bansang ito? kay juan?
o sa mga may perang mayayaman?

gumalaw ka naman taong bato
gawin mo ang iyong mga pangako
tulungan mo kami dito
wag puro usok ang asikasuhin mo..

Monday, May 21, 2012

moving on

 Pag nagbreak kayo ng bf/gf mo unang iniisip mo ang move on kalimutan siya kalimutan ang masayang sandali kalimutan ang muka niya kalimutan ang buong pagkatao niya sabay iyak hindi mo pala kaya shunga lang eh. para kang edsa pag may rally hindi maka move on hirap na hirap maka usad tip ko lang gawin mong manhid ang sarili mo sa nakaraan hindi naman ibig sabihin ng MOVE ON kakalimutan mo eh ang MOVE ON kahit naalala mo pa lahat lahat hindi ka masasaktan matatawa ka lang
kahit maalala mo yung katawan niya hindi ka na malilibugan.haha
 keep yourself busy mag dl ka ng plants vs zombies o kahit anung games tapusin mo hanggang sagad sagarang level yung
tipong siya yung zombie papatayin mo tpos natatawa ka kasi kamuka niya talaga yung zombie.
wag mong gawing boring ang buong araw mo maglakad lakad ka,kausapin mo lahat ng tambay kashit hindi mo kilala kausapin mo.
laging tadaan wag kang maging bitter gawin mong komportable sarili mo wag mo siyang iwasan hayaan mong magsawa ka 
hanggang sa masuya saka mo idura saarap sa pakiramdam nun, wag kang uminom tapos pag nalasing ka mag eemo ka nag
momove on ka eh haller. gawin mong masaya ang pag momove on mo gawin mong masya ang buhay mo may mga tao pang
nakapaligid sayo papasayahin ka tutulungan ka sa pag usad mo at madadala mo ang ngingiti sa pag tulog mo...

Sunday, May 20, 2012

ITS KUMPLIKEYTED

   naranasan mo na bang magmahal sa isang babae/lalaki kaso hindi pwede may mga bagay na nagpapakomplikado halimbawa..





  NO PWEDE GANAR may gf ka/bf ka vice versa hindi mo siyang pwedeng mahalin dahil may mga taong nakapaligid sainyo ang msasaktan. ang mainam mong gawin wag mo siyang                                             kausapin pigilan mo lahat ng dapat pigilan magtiis ka sa bandang huli                                                makakalimutan mo din siya. 

★ BROTHER-SISTER kapatid lang turing nia o turing mo sa kanya bawal lumagpas sa boundary bawal                                                                                      makaramdam ng libog o kung anu pa man ang sosobra basta magkapatid lang tingin               
 niyo sa isat isa hirap noh?

BESTFRIENDS? madaming ganito ang nangyayari bestfriends sa simula hindi naglaon iba ang naramdaman 
 ayun sumobra na eh paano kung may partner na si bestfriend anong gagawin mo? sisirain
 mo ang relasyon? manahimik ka na lang maghanap ka na lang nga lalaki/babae mamahalin mo atlleast kung magbreak kayo andyan pa rin si bestfriend..

SECRET LANG yung tipong tago tago effect lang kasi hindi mo kayang sabihin para ka lang isang taga hanga ng artista kaso oa sayo mahal mo na agad para ka lang shunga pansinin ka lang niya
 para ka ng mahihimatay, OA mo pakyu,,haha\

THIS GUY IS IN LOVE WITH YOU dahil sa lagi kayong magkasama, tabi matulo, minsan sabay pa kayo 
 maligo kasama mo sa hirap at ginhawa naramdaman mo na ang  pagmamahal ang kasiyahan para kang lumulutang sa langit ng kasiyahan pagkasama ka ang masakit lang pare parehas kayong lalaki
ang sagwa papa p ikaw ba yan.

KAIBIGAN LANG PALA pinakamasakit ito minahal mo siya pero sasabihin niya lang sayo kaibigan lang turing ko sayo ang eksena mo dito tatakbo ka ng lumuluha hanggang sa madapa una ulo mo mamatay ka.kaya wag mo ng mahalin kaibigan mo.



pwede magmahal pero handa ka na rin masaktan. may sitwasyon kasi na hindi talaga pwede pero pinipilit pa rin
ng puso natin kahit ayaw ng isip natin hindi mo kayang pigilan ang puso involuntary muscle to.
 mahalin mo muna sarili mo bago mahalin ang katabi mo. BE BUDOY

Friday, April 27, 2012

PERA

Ito ay papel na may tinta 
minsan ito ay barya 
kayang paikutin ang buhay 
hanggang ikaw ay mamatay 
hinihiling mu pa sa kanya 
na magkaroon ka 
pagktapos makakalimutan 
mo na siya 
pag binigyan ka na.. 
pera pera pera!! 
Paano naman ang wala? 
Paano ang mga pinanganak na dukha? 
Buti pa ang mga mayaman ang angkan 
hindi na nila dadanasin ang kahirapan 
hihiga sila sa duyan ng kasarapan. 
Pag pera ang usapan nawawala ang equalidad 
pag tinignan mo sa realidad. 

TWO STICKS

Gusto ko magpasalamat 
kanila nay at tay sa lahat. 
Bagamat ako ay suwail 
kahit kailan hindi ako tinatakwil 
minsan hindi ako sumusunod sila ay nandyan pa rin sa aking likod. 
Minsan meron hindi pagkakasundo 
pilit pa ring kinakausap ang baliw na katulad ko. 
Sori sa lahat ng pagkabigo ng pangarap niyo para sa akin 
sa pagtanda niyo kayo ay aking aakayin.

TURON

Isang Gabing madilim 
na walang kasing itim 
ng aking nakikita 
tuwing ididilat ang mata 
gusto ko ng mahimbing 
ngunit ang utak ring ng ring 
madaming tumatakbo 
pati ang mga susunod na tagpo 
bakit ganito, bakit ganun? 
Yan tinatanung sa utak kong parang turon 
tinusta sa mantika 
kahit binalutan ng tamis ito pa rin ay mapakla

SANA'Y NAGING COOL LANG

Akoy nababaliw 
nawawala ang pagka aliw 
hindi alam ang gagawin 
hanggang sa utak ko ay agiwin. 
nakatulala at natatanga 
ang katawan ko ay naghahang na. 
robot na ang isipan 
pagkatao parang nasapian. 
Nawawala ang ningning 
ng mata ko na parang napuwing. 
Nayayamot sa dilim 
naghahanap ng liwanag sa lilim 
nagtataka sa mga nakikita 
na wala naman talaga. 
Yan ang epekto ng pagkabahala 
na wala naman talaga.

Saturday, April 7, 2012

flying sandwich with coleslaw and lettuce mayo



Lumulutang ka pero hindi lumilipad
hind mo alam kung san ka mapapad
doon ba sa puting malapad?
o sa asul na banayad?


lagi mong iniicp ngunit nawawala

parang isang ibong nagwawala.
ginawang salita
ngunit hindi ginawa
bka sa huli lumipad na lang at mawala..